Hoy Agie!
Agatha likes to travel. She's been to the streets of Manila, the eskinitas of Divisoria. She's been to the palengke's of Quezon City, the highs and lows of Makati, the crazy roads of Mandaluyong and now...she's ready to invade the world.

Join her...errrr...:)) Bale ganito plano..magsusulat ako basahin mo na lang. :))

Hoy Agie!

Nung grade 1 ako mahilig ako manood ng MTV. Tapos pag susunduin na ko ng service mageemote ako sa jeep tas maeexcite ako kasi yung sunod na susunduin yung crush ko. Tas ayun minsan na sasad ako pag absent siya. Tas buo na araw ko makita ko lang siya. 

Nung 4th year highschool ako crush na crush ko si Brent Javier. As in sobra! As in iniimagine ko mabubungo ako ng kotse niya (which is di ko nga alam if meron siya nun) tapos dadalhin niya ko sa ospital or punta siya sa classroom tapos hahanapin ako. Yung mga pang teleserye. Masaya na kong iniimagine yun.

Nung 1st year college ako. Super buo na araw ko pag may class kami sa Recto, pag PE kasi makikita ko yung basketball player na crush na crush ko. Tas ang saya ko pa lalo nung pumunta siya sa campus kasi may aayusin ata sa Medical. Grabe! 

Ngayon..masaya kong iniisip yung mga bagay na yan. Parang kelan lang. Parang kahapon lang. Noon iniisip ko gusto ko na matapos to’. Para malaman ko kung ano meron sa dulo. Tas ayun natapos na. Eto na yung huli. Katapusan..kumakain ako ng Mango candy hahahhaha! 

August 26 at 11:38am
  1. heyisawthat posted this