Hoy Agie!
Agatha likes to travel. She's been to the streets of Manila, the eskinitas of Divisoria. She's been to the palengke's of Quezon City, the highs and lows of Makati, the crazy roads of Mandaluyong and now...she's ready to invade the world.

Join her...errrr...:)) Bale ganito plano..magsusulat ako basahin mo na lang. :))

Hoy Agie!

Effortless Katarayan

Sabi nila practice makes perfect. Sa inaraw araw ba naman na kakalagay ko ng make up sa mukha ko di katagalan ako’y babansagan ng..Agatha The make up artist. Di mo rin masabi e minsan yung ikakasikat mo yung ginagawa mo araw araw. Tingnan mo na lang yung mga tindera ng baboy sa palengke. Sumikat sila at kilalang kilala na, may mga suki na. Kasi siyempre yun ginagawa nila araw araw. Dun sila nakilala. So san ba hahantong tong sinusulat mo? Ay wala lang topic ko ngayon make up e. gusto ko lang irelate sa tindera ng baboy para kunwari maka-masa ako ganun. :))

Kanina habang naghahanda sa trabaho. Tulad ng araw araw kong ginagawa buksan ang ilaw, tumingin sa salamin, iisipin, ito na naman..so ano na kulay lalagay mo sa mata mo? Gano kataray ang gusto mong kilay ngayon? Oo totoo kinakausap ko sarili ko parati kung anong klaseng personality ang gusto ko ipakita sa mga tao. Iba ibang look yun depende sa mood. Lahat naman ata tayo may ganung moments. Ngayon..napagdesisyonan ko ang “mataray na kontrabida look” gusto ko tong look na to pag nagtataraytarayan ako. Puros highlights at contour ang drama. Na-master ko na ang look na di mo na kailangan ngumiti pero mukhang nakangiti ka pa rin, kailangan mo lang magpout ng konti (konti lang sumobra ka na e) tapos medyo mag squint ka. Parang SMIZE ni Tyra, smiling with your eyes. Sa ganitong paraan di ka na mahihirapan mageffort sa pag ngiti. I tried this once during work, tinanong ng kasama ko if may sakit ba ko. Pero tulad nga ng sabi ko..practice makes perfection. Keep on smizing.

September 7 at 8:57pm
  1. heyisawthat posted this